menu
menu
Entertainment

Kris Bernal stuns in a youthful look at the 'Huwag Kang Titingin' premiere

14/04/2026 05:17:00
Courtesy: Gerlyn Mariano, GMANetwork.com, krisbernal IG

Isa si Kris Bernal sa Kapuso stars na dumalo sa premiere night ng Philippine horror film na Huwag Kang Titingin.

Usap-usapan sa social media ang youthful at mala-Gen Z look ni Kris na talaga namang napansin ng marami sa pagdating niya sa naturang big event.

 

Looking young ang celebrity mom suot ang kanyang maroon-colored fitted stylish dress.

 

 

Source: Gerlyn Mariano

 

Sa Instagram Stories, ipinaabot niya ang kanyang heartfelt greeting para sa lead star at ilan pang cast members ng pelikula.

Pagbati ni Kris para kina Sofia Pablo at Allen Ansay, “Congratulations @sofiapablo, @itsmeallenansay on your new movie, Huwah Kang Titingin. Napakahusay n'yo! So proud of you.”

Inilarawan din ng Kapuso actress ang chemistry at acting skills ng Sparkle stars na ipinakita nila sa horror film.

“Kilig much din ako sa inyo! The performances were powerful, authentic, and so engaging. Naku, hindi ako makakatulog nito,” pahayag niya.

 

 

 

 

 

Samantala, kabilang si Kris sa lead stars ng GMA intense drama series na House of Lies.

Patuloy na subaybayan si Kris sa serye, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

by KaiK.ai