May bisita ulit sa iconic house ni Big Brother.
Nasorpresa ang Kabataang Pinoy housemates sa pagdating ng aktor na si Ruru Madrid.
Si Ruru ang pinakaunang Kapuso houseguest sa bagong season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa poster na inilabas ng Pinoy Big Brother sa social media, inanunsyo at inilahad dito ang tungkol sa guesting ng Sparkle star.
Ipinalabas din sa latest episode ang ilang pasilip sa mga eksena ni Ruru sa confession room at iba pang parte ng iconic house.
Kasunod nito, mapapansin sa comments section ang excitement ng viewers sa mga susunod na kaganapan sa teleserye ng totoong buhay.
Anu-ano kaya ang task na ibibigay Big Brother kay Ruru?
Matatandaan na sa unang season ng collaboration, naging houseguest din sa Bahay Ni Kuya ang real-life partner ni Ruru na si Bianca Umali.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ito, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'