menu
menu
Entertainment

Carmelle Collado and Anton Vinzon reveal untold facts about CarTon

17/04/2026 05:00:00
Courtesy: anton_vinzon (IG), nathan portez (TikTok), carmelle_lite (IG)

Kinakiligan ng fans at netizens ang mga naging kaganapan sa latest fan meet ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng ex-housemates na sina Carmelle Collado at Anton Vinzon.

Ang CarTon na tambalan nina Carmelle at Anton ay kabilang sa fan-favorite ships ng mga tumutok sa recently concluded edition ng Pinoy Big Brother.

 

 

Sa video na in-upload ng content creator na si Nathan Portez, sinagot nina Carmelle at Anton ang tanong tungkol sa kung ano ang tatlong facts na hindi pa nila nasasabi sa publiko o sa interviews tungkol sa kanilang dalawa.

Ayon kay Carmelle, “Nagbabalak po talaga kaming mag-matchy-matchy ng damit, facts.”

“Doon ko na-feel 'yun kay Carmelle na kapag umalis na si Carmelle, parang masakit na 'yung feeling ko kapag mawala siya,” pagbabahagi ni Anton.

May ibinunyag pa ang Star Magic artist tungkol sa sinabi sa kanya ng Sparkle star, “Sabi niya [ni Anton Vinzon], parang napapalapit na 'yung feelings ko sa'yo.”

Sagot naman ni Anton sa tanong ni Nathan, “First, may plano kami ni Carmelle, gusto namin mag out of the country. Pangalawa, sana maimbita ako sa concert niya at sana makakanta ako sa isang malaking stage na kasama ko siya.”

Kasunod nito, bumawi si Anton at may ibinunyag din siya tungkol kay Carmelle.

“Hindi ipinapakita kapag nag-go-good night si Carmelle sa akin, sobrang clingy niya. Siya 'yung clingy sa aming dalawa,” pahabol ng Sparkle actor.

Matatandaang si Anton ang isa sa mga nagkaroon ng pagkakataon na lumaban para sa wildcard, ngunit matapos niyang matalo sa challenge ay muli siyang nagbalik sa outside world. Siya ay tinawag ni Kuya na Astig Anak-tion Star ng Baguio.

Si Carmelle naman ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Riles Diva ng Camarines Sur.

by KaiK.ai