
Bukod sa pagiging aktor, abala rin si Dustin Yu sa pagiging isang businessman at restaurant owner.
Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Sparkle star ang first anniversary ng kanyang food business.
Sa kanyang latest post sa Instagram, ilang photos ang in-upload niya kung saan tampok ang kanyang restaurant na pinangalanan niyang Eraya.
“From day one to year one. Every bit of hard work led here. Happy anniversary to my baby, @eraya.ph,” sulat niya sa caption.
Kasunod nito, ibinahagi niya kung gaano siya ka-proud sa tinatamasang tagumpay ngayon ng kanyang food business.
Pahayag ni Dustin, “You've (Eraya) taught me so much about growth, grit, and heart. So proud of how far we've come.”
Sa comments section, mababasa ang mensahe ni Mika Salamanca para kay Dustin at sa business nito.
Komento ni Mika, “Huhu so proud of you and eraya.”
Nakilala si Dustin sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Chinito Boss-Sikap ng Quezon City.
Samantala, si Dustin ay bibida sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan co-lead stars niya sina Will Ashley at Bianca De Vera.
Mapapanood din siya sa upcoming collab series na pinamagatang The Secrets of Hotel 88.
RELATED CONTENT: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online