May bagong sorpresa si Big Brother sa mga Kabataang Pinoy housemates.
Isang teaser tungkol sa bagong bisita ang inilabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 at ng GMA Network ngayong Huwebes, January 29.
Ipinasilip sa short clip ang pagdating ng Encantadia Chronicles: Sang'gre actress na si Angel Guardian sa pinakasikat na bahay sa bansa- ang Bahay Ni Kuya.
Ang Kapuso housemates na sina Caprice Cayetano at Sofia Pablo ang sumalubong at nag-introduce kay Angel sa mga kasama nila sa iconic house.
Ano kaya ang task ni Angel mula kay Big Brother?
Kaabang-abang ang kanyang mga eksena kasama ang Kabataang Pinoy housemates sa loob ng iconic house.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang teleserye ng totoong buhay nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream